Ewan
Posted: February 3, 2010 Filed under: Tagalog | Tags: Life Change, Tagalog Leave a comment »Kagabi, may nasinghot akong panghi habang naghihintay ng taksi. Bigla akong natawa kasi natandaan kong naihi si Cuba nang dinala namin sya sa Rockwell at hindi na siya makapagpigil. Tapos nalungkot ako kasi natandaan ko yung eksena sa Magnolia nang naihi si Stanley at ayaw syang paihiin nung P.A. na artista sa Desperate Housewives. Kasi may mga kinakawawang bata talaga. Mga ginagancho kasi musmos lang sila. Tapos nagalit ako kasi naisip ko naman yung mga mang-gagancho tulad ni GMA at ni Villar.
Minsan ang brains natin talaga kay gulo. Lahat konektado…pero hindi.
Posted: August 8, 2009 Filed under: Tagalog | Tags: Politics, Tagalog Leave a comment »
Mag-resign ka na please. Pagod na ‘ko. Hindi ka man lang naki-share ng lobster sa Le Cirque. Hindi mo man lang ako ginawang National Artist. Ano pa ba ang gusto mo? Hindi pa ba sapat ang nalimas mo? Hindi pa ba sapat ang mga namatay?
Gusto kong malaman kung nahihirapan kang matulog sa gabi kasi at least alam kong…nagi-guilty ka. Try mo Unisom…yung gel caps sa bote ha hindi yung nasa banig (may hang-over epek yung nasa banig). Pero dapat binili mo yun bago ka nauwi dito. Mahirap makapasok kasi sa Pinas ang iba’t ibang parmasya kasi…parang kotse…krudo…libro…eberithing na…mahirap makapasok dito kung walang tong-pats.
Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang gusto mong mangyari. Tama na. Please lang.
Ayoko na,
Monster
A conversation
Posted: November 17, 2008 Filed under: Tagalog | Tags: Life Change, lola, Tagalog Leave a comment »This is a conversation between Monster and her 3-year old niece, whom she is carrying so she can take a good look at their 94 year-old Lola who is inside a white coffin.
Niece: Natutulog siya?
Monster: Hindi. Mukha lang siyang natutulog. Ganun talaga kapag namatay ka na.
Niece: Kunwari lang siya tulog?
Monster: Mukha siyang tulog.
Niece: Patay na siya?
Monster: Patay na siya.
Niece: (worried) Hindi na siya magigising.
Monster: Pwede pa, kapag pupunta na siyang heaven.
Niece knocks on glass, and tries to touch it.
Niece: Hindi siya makakaalis, naka-lock. Mabigat.
Monster: Uhmmm…mabigat nga.
Niece: At kung hindi siya natutulog, bakit siya may may pillow?
Monster: Uhmmm…onga no.
Niece: Ibaba mo na ‘ko, magigising din yan.
Inherent Chakaness
Posted: September 12, 2008 Filed under: Tagalog | Tags: inherent chakaness, pelikula, Tagalog, telebisyon 2 Comments »Jade Castro, pahiram muna ng term ha. Sabi mo naman pwede namin gamitin basta magpapaalam lang diba? Eto kasi ang nakikita kong problema: gusto natin nito. Gustong-gusto nating makanood ng mga bagay-bagay na hindi naman matino ang pagkakagawa. ‘Wag muna tayo pumunta sa pelikula dahil sa totoo lang, mas malaki ang problema ng telebisyon.
Sa tanghali, may manyak na nagpapaiyak ng mga pobreng matatanda atsaka bibigyan sila ng pera. Pinapalibutan rin niya ang sarili ng mga magagandang mga babae na binabastos nya kapag tinatawag ng kanyang laman.
Sa hapon, tila walang maipasok kaya’t mga dramang hinugot sa pwet ang ipinalalabas. Mas maganda na lang na manood ka ng home tv shopping.
Telenovela pa rin ang binabandila ng mga bumibidang estasyon. Maganda ang produksyon nito kaya siguro ito lamang ang palabas na matino ang hitsura. Pero hindi naman pwedeng ito lang ang pinapanood natin diba? Dito namamayagpag ang inherent chakaness. Kung may beauty contest, nasa kanya na ang korona.
Sa gabi, hindi mo na maihiwalay ang balita sa “primetime shockers”. Gusto nilang isinisigaw sa atin ang mga pangyayari. Gustong-gusto rin nilang ikwento ang mga pangyayari na walang kaisip-isip kung ano ang epekto sa atin nito. Kung may barilan sa Midsayap, siguro naman pwedeng maiksplika sa madla ang dahilan at epekto nito sa mga nakatira doon, at hindi lamang kung gaano karami ang nabaril at ilang galon ng dugo ang dumanak.
Hindi ko na alam kung paano gagawa ng show na walang inherent chakaness na itataya ng mga maykayang magtaya. Sa palagay ko kaya na naman ng mga manonood ng ilan-ilang mga palabas na walang inherent chakaness. Pero, hindi ako marunong kasi. Hindi pa yata kaya ng powers ko.
Treinta-treintahan
Posted: February 20, 2008 Filed under: Tagalog | Tags: Tagalog Leave a comment »Medyo kyut pa kasi ang “twentysomething.” Wari kang eng-eng o tukmol, okay lang kasi…ano ba alam mo e may gatas ka pang tumutulo sa baba mo?
Kaya etong pagka-treinta ko e parang hindi pa ko handa. Kasi, kapag lumaki kang Pilipino sa Pilipinas,tuloy ang larong buko hanggang kuba ka na at uugod-ugod. Patuloy kang nasa ilalim ng palda ng nanay mo, makakahon ng relihiyon na hindi mo na maintindihan, matatali sa paniniwala ng nakararami (halimbawa, dahil ba wala nang papalit na mas okay kay Gloria, magkimkim na lang tayo? e no ngayon kung walang papalit, e kriminal siya e!). Kaya’t pagdating ko ng trenta, asal eng-eng pa rin ako. Kahit pumipirma na ako ng tseke at may health card na ako, nag-uumpisa pa lang ako magkaroon ng sariling sensibilidad.
Ang sensibilidad na kapag may pagkakamali ako, kasalanan ko yun. Hindi yun dala ng kung sino o anumang elemento na aapekto sa buhay ko.
Nga pala, treinta y dos na ako.
Inevitable
Posted: January 11, 2008 Filed under: Tagalog | Tags: Tagalog Leave a comment »Writers who don’t write, die!
